“Mommy pahingi ng baon.”
Wala lang. Namimiss ko lang ang linyang ito.
Wala lang. Namimiss ko lang ang linyang ito.
“Mark, tatay ka na.”
Ano daw?! Paano naman ako magiging tatay eh girlfriend nga wala ako, anak pa kaya?! HAHAHA! LOL.
Anyway, last January 28, 2012, nagpunta ako ng LB, Laguna dahil ipapanganak na daw ang unang pamangkin namin. Una, tapos sa bunso pa. Hahaha! Oo tama ang nabasa mo, sa bunso, kasi yung bunso namin naunahan pa kaming apat na kapatid nya na magkaanak. Naturingang nagaaral pa. Anyway, wala tayong magagawa sa tawag ng kalibugan. Loljk.

Ang pangalan nya daw ay Mikiel (o Mykiel?) Jacob. Hindi ko din malaman kung bakit ganun. Hahaha! Malaki siya para sa isang sanggol, more than 7 lbs. More or less after 18 hours siya bago nakalabas, tapos ang balak na normal delivery naging Cesarean Section pa. Hahaha. Tapos sobrang iyakin, napuyat kami sa hospital dahil bawat oras naiyak siya. Anyway, masaya naman kapag hinehele siya para manahimik.
Totoo pala na kapag nagkaroon ng bata sa pamilya, di mo aakalain na may gagawin kang katangahan para lang maging masaya yung baby lalo na kung umiiyak siya. Hahaha!
Anyway, ngayon lang ako nakauwi ng bahay after almost a week. So, pahinga na muna. Nakakamiss magpost sa tumblr. :)
It’ll never be the same.
Giggle much.